Sa aking pagdaan…
Ako’y nakakita ng isang batang musmos na namamalimos,
punit-punit ang damit, walang tsinelas at may hawak na pinagkainan ng instant
noodles.
Nasaan ang kanyang mga
magulang? Nasaan ang kanyang mga kapamilya ? Bakit siya hinahayaang
mag-isa sa kalsada ? Napakasakit para sa munting batang ito na mag-isa
lamang na nagpapakahirap sa pamamalimos para may makain. At sa aking pakiwari, wala tayong
pinagkaiba sa kanya bukod sa literal na kaanyuan.
Pareparehas lamang tayong musmos.
Musmos sa katalinuhan at sa pag-iisip. Hindi pa sapat an gating nalalaman para
ipagmalaki sa mundo na matalino tayo.
Pareparehas lamang tayong namamalimos.
Namamalimos ng kaunting talino mula sa ating mga guro, namamalimos ng
pagmamahal mula sa ating kapwa at namamalimos na buhay mula sa Diyos.
Pareparehas lamang tayong punit-punit
ang damit. Punit-punit rin ang ating mga puso dahil sa mga problema at sakit na
nadarama n gating kalooban, ngunit salamat kay Kristo at sa mga taong
nagmamahal ay nananatili tayong buo.
Pareparehas lamang tayong walang
tsinelas sapagkat hindi pa natin kayang tumayo sa ating sariling mga paa at
mabuhay na mag-isa sapagkat binubuhat pa tayo n gating mga magulang upang
mabuhay at magpatuloy sa paglalakbay.
Minsan tuloy nag-iiba ang aking
pagtingin sa buhay. Minsan nais ko na maging isang matibay na puno. Ako na
isang puno na nakatanim sa gitna ng syudad, sa pagitan ng dalawang
naglalakihang kalsada. Ako na nakalalanghap ng lahat ng usok mula sa mga
kotse’t bus. Ako na pinagsasabitan ng mga basura ng iskwater dyan sa malapit,
na minsan pa’y pinuputol ang aking mga sanga para gawing isang panggatong.
Ngunit ayaw kong maging isang puno na nagmamatigas at pagkatapos ay napuputol
sa tuwing daraan ang malakas na hangin, ang nais ko ay maging isang punong
umaayon sa bawat direksyon ng pag-ihip ng malakas na hangin. Gusto kong gayahin
ang isang puno na matatag, matiisin, nakikibagay, nakikiayon, nagbibigay-buhay
at pag-asa at isang puno na hindi kailanman umaalis sa kanyang kinalagyan
hanggang sa siya ay malanta—mamatay.
eda
september 18, 2006
No comments:
Post a Comment
COMMENT