I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Saturday, September 19, 2009

Limang Pisong Barya

Isang umaga sa aking pag gising, naalala ko—problema sa assignment (kokopya na lang),
problema sa barkada (ittxt ko na lang), problema sa lovelife (papasabi ko na
lang), problema ng bawat pamilya sa Pilipinas; pambayad sa kuryente, pambayad
sa tubig, pambayad sa utang, pambili ng pagkain, pambayad sa matrikula naming
mga estudyante, pambaon ng anak sa eskwela, tapos problema ng sugal sa Bataan,
problema ng Abu Sayaff sa Mindanao, problema ng ekonomiya ng bansa, problema ng
kurapsyon, maging problema ng terorismo sa Iraq, problema ng kahirapan sa
Africa – ah! Problema na pala ng buong mundo ang naiisip ko! Nais kong mabago
ang mundo, ako na isang hamak na 4th year student lamang, musmos pa
para sa karamihan, nagpaplano na para baguhin ang mundo.

Alas dose ang uwian naming tuwing tanghali, nakakarating ako sa aming bahay halos
alas dose y medya na, sapat lang para kumain, magtoothbrush, gawa ng
nakalimutang assignment tapos alis na. Kasabay kong pumapasok tuwing alas dose
kwarenta ang mga pipitong taong gulang na batang nag-aaral sa elementarya dito
sa amin, katanghaliang tapat at kasabay ko silang naglalakad sa ilalim ng init
ng araw. Ngunit, marahil magkasabay man kami mula paglabas ko sa gate ng aming
bahay na ilang hakbang lang sa kanto na pinag-aabangan ko ng jeep at ilang
hakbang lang rin mula sa elementary school, naisip ko, saan kaya sila nakatira?
Gaano kalayo ang nilalakad nila para makapasok sa eskwela?

Kanina, nakasabay ko nanaman sila, ang mga mumunting bata. Tinanong ko, “San kayo
nakatira?”, aba, dinedma ako.. kaya yun, nginitian ko na lamang. At pagkatapos,
habang nag-aabang na ako sa kanto ay naupo ang dalawang batang kasabay ko,
hinihintay nila yung isa pa nilang kasama na nahuli, tapos narinig ko, “ Eto na raw baon mo sabi ni nanay!” At may limang pisong barya na iniabot ang bagong dating na bata, tapos sabi ng pinag-abutan, “Obat naman barya, la ka bang buo jaan??” At saka hinawakan niya ang bulsa ng batang nahuling dumating, walang kumalansing, wala siyang nakapa sa bulsa at biglang tumakbo sabay sabing “La na kong baon!!”

Pagsakay ko ng jeep, naalala ko, problema nanaman?? Bakit pati ang mga musmos na kagaya
nila ay naghihirap??..nadadamay sa mga kalokohang pinaggagagawa ng mga
nakatataas na nakapagpapababa sa ating ekonomiya. Kaya naman ang mga kapatid
nating mahihirap ay lalong naghihirap at silang mayayaman ay lalong yumayaman.
Wala akong nagawa para sa kanila kanina kundi palitan ng buong limampiso ko ang
barya niya.

Siguro nga’y ako’y nangangarap pa lamang, kasalukuyang pa lang nag-aaral para sa aking
kinabukasan, pero pagdating ng bukas na iyon, may plano na ako. Mula sa aking sarili-gagawa na
ng sariling assignment, mamahalin aking kaaway, tatalikdan ang kahit sino para
sa Panginoon; ay sisimulan ko ang pagbabago, ang paglutas ng mga problema, ang
pagsalba ng kinabukasan.

Ang pagngiti ng bawat kabataang
kagaya ko ay pag ngiti na rin ng aking puso at buong pagkatao.

May awa ang Diyos.



eda

june 20, 2006

No comments:

Post a Comment

COMMENT