ano ba ang ibig sabihin ng EMO?
-EMO ba kapag halos lahat ng gamit ay kulay black o pink?
-EMO ba kung nagyoyosi nang nakasandal sa pader ng nag-iisa at may earphones/headset sa ulo?
-EMO ka ba kung may belt ka na checkered na black and white at malaking panyo na checkered na black and white din tapos nakatali sa leeg mo na kahit mainit ay di mo pa din tinatanggal?
-EMO ka ba kung ang barkada mo ay halos araw-araw na kung mag-inuman?
-EMO ba kung mahaba ang buhok at matigas na parang nakuryete?
or
"EMO" rin bang matatawag ang isang taong malungkot lang talaga, siguro pakiramdam ay miserable na sa buhay at wala nang masabi kaya ang alibi na lang kung bakit di nagsasalita ay dahil "Tinatamad akong magsalita eh"
"EMO" rin ba ang taong umiinom ng kahit anong masarap: matamis o mapait basta lang pansamantalang makalimutan ang mga bagay-bagay?
...
hmm..
sabi kasi ng mga kaibigan ko EMO daw ako.
di naman ah!
ewan, siguro EMO as in emotional?
hanggang ngayon kasi di ko pa rin alam kung ano talaga ang official meaning ng EMO. di ko naman kasi sigurdo kung mahahanap ko yung word sa Miriam Webster (pocket edition) Dictionary ko, kaya di ko na lang din hinahanap.
base sa observation ko sa mga nakaraan bwan, ang EMO para sa akin ay yung nakalista sa itaas. *yung mga may - .
...malungkot lang talaga siguro ako ngayon. secret kung bakit! secret na lang kasi di mo rin maiintindihan. siguro kailangan mo muna ng doctoral degree sa psychology. :p
siguro kung kasama mo ako araw-araw iisipin mo na moody ako o kaya naman ay weird. pero bahala ka sa buhay mo kung ano pang gusto mong isipin, basta ang alam ko, malungkot ako, pero nilalabanan ko na lang yun sa mga pakonti-konting destruction na ibinibigay ng pagkakataon sa akin. Kaya kung nakikita mo akong tumatawa, wow, meaning na distract mo ako. ang galing mo naman. matalino kang nilikha ni God.
si God.
nakalimutan ko na yata si God. hindi pa naman ako nakapagsimba noon sunday (Jan25, '09) kasi galing kaming bulacan para sa CWTS tapos ang dami pang quizzes kinabukasan.
Nawawala na ako sa tamang street..hmm, parang sa ibang channel nanaman ako naka tutok, at hindi si God yung bida sa channel na yun.
masaya pa ba ako sa mga ginagawa ko?
-ewan? sige na lang ako ng sige sa kung anong ibigay ng pagkakataon at nagpapadaloy lang din sa agos ng panahon.
Buti pa si Jersey, nahanap na nya yata yung tunay na kaligayahan..
feeling ko lang talaga ngayon, super nadedetach na ako kay God. para bang naglalaho na ang kakaibang link sa aming dalawa.. siguro kasi dahil hindi na kami nakakapag date ni God..at wala na kaminglong chats lately..di ko na rin sya nakakasama ng matagal..
nakakamiss ang mga panahon na masaya.
mga panahon sa simbahan na nakakapagpakumpleto sa buhay ko.
EMO na ba ako?
or siguro drama?
o kinukwento ko lang yung mga nangyayari sa akin. madaldal ang mga daliri ko eh. kahit anong letter pinipindot kaya ang dami ko nang naisulat.
-anyway. bahala ka naman kung babasahin mo ito dahil Blog ko ito at wala akong pakialam sa kung anong iisipin mo. gusto ko lang, may parang diary ako, na sa future, kung masayang masaya na ako kasi nahanap ko na yung meaning ng existence ko, ay may magpapaalala sa akin na ang buhay ko ay punong-puno ng mga istoryang kakaiba.
...cont'd
weird ba talaga ako?
sabihin mo nga sa akin., itext mo ako: 09157****71
sabi nga kasi ng mga kaibigan ko ang weird ko daw, minsan siryoso, minsan naman EMO.
goshh..
weird? dahil ba di nyo ako maintindihan?hmm.. mysterious nga raw ako eh. :D isang tao lang naman nakakaintindi sa akin eh, si jersey. dahil doon sobra ko syang naaapreciate.
siryoso? hmm. siryoso naman talaga ako sa mga bagay bagay. minsan nga lang nilalagyan ko ng twist para maiba naman, at dahil doon napapatawa ko naman kayo. :D lalo na si rama. wala na yatang ginawa kundi either tumawa sa mga nangyayari o dahil sa mga sinasabi kong kung ano ano. XD
EMO? naku. bahala ka naman sa buhay mo. mag-usap nga tayo. hehe
sabi ko palagi kay rona: "miserable na akO!"
sabi kasi ng professor namin sa sociology, miserable ka kung di ka na masaya sa buhay mo at sa kung anong ginagawa mo.
[edi Miserable na nga ako. lalong lalo na sa biochem at physics. haha]
pero miserable nga ako.sikreto kung bakit! XD
*ngayong mga panahong ito, naku, take it for granted, ayain mo na ako ng ayain sa kung saan saan at sasama ako. ok na sa akin ang isang frozen margarita o Weng-weng basta ba't makakauwi pa ako (pag dinagdagan mo pang isa pang bote ng redhorse). kaya nga ba't napapadalas kaming magvideoke, o kaya naman kumain sa kung saan saan na may cocktail drinks. :D
college na nga ako!
18 yrs old na nga ako!
kailangan ko na ding itake for granted and pagiging of legel age ko! :D
pero malungkot lang talaga ako ngayon.
walang kahit ano na interesting eh.
parang cake na walang icing.
bitin palagi.
No comments:
Post a Comment
COMMENT