I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Sunday, September 20, 2009

bagong kaibigan

naranasan mo na ba?
naranasan mo na bang magising sa umaga na hindi mo na kilala kung sino talaga ang tunay mong kaibigan? sino sakanilang lahat na nakapaligid sa iyo ang totoong may malasakit sa kung ano at sino ka sa kasalukuyan?

ako oo.

corni pero importante kasi sa buhay ko ang mayroong tunay na kaibigan. sila kasi ang pawari ko'y mukha ni Hesus na nagkatawang tao. ;)

ilang araw o marahil ilang linggo rin ang lumipas na malabo na ang mga mukha ng mga dati kong matalik na kaibigan. hmm. dahil lang ba sa maraming ginagawa sa eskwela? o dahil nakalimot nang talaga?

malungkot.

sige na lang ako ng sige sa daloy ng agos kung saan man ako tangayin ng alon. ngiti dito. ngiti doon. lahat naman ng taong nakikilala ko ay itinuturing kong kaibigan mula pa noon pero hindi lahat sila ay itinuturing kong matalik na kaibigan.

sa karanasan ko, marami na din akong nakilalang naging kagaya ko, mga taong bigla na lang ang sabi sa sarili (sabay bulong sa akin): "Buti ka pa. ako nga walang bestfriend. puro mga kaibigan lang."

nagdasal ako.

Hmm..

para kay jersey

Salamat!

naramdaman ko nang muli ang saya ng isang tunay na pagkakaibigan.

akala ko. akala ko. munti na akong patayin ng maling "akala ko".

naririyan pa pala ang "bestfriend" ko...

hmm. kilala mo na siguro?

minsan napapagkamalan kaming magkapatid. minsan pa nga kambal pa daw. palagi kaming magkasama sa maling lugar at maling pagkakataon.. hmm. nakakatawa lang isipin, maraming mga tao kasi ang nagugulat sa kung nasaan kami. hindi inaasahn kung baga.

masama bang mamalagi sa katedral? ;)

sa semenaryo na sya ngayon.

hindi na halos magkita. pero okay lang.

hindi naman nasusukat ang tunay na pagkakaibigan dahil lang sa dalas ng pagkakasama.


OOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO


may bagong kwento!

pero hindi pa lubos.


hindi ako marunong matuto sa mga nagiging karanasan ko!

haha.

naaalala mo pa ba ang nangyari sa dati? hmm. ako kasi nakalimutan ko nang lahat. nailubog ko na s malalim na tubig kasama ni Megatron. XD

pero may kapalit!

salamat! :)

hindi pa lubos. pero plagay ko at dasal ko na maging tunay. :)

parehas lang naman kami ng parehas.

simpleng buhay. simpleng mga pangarap.

manghula ka kung sino!
hmm.. palagay ko kung taga bataan ka at relihiyosong kabataang katoliko, kilala mo sya. :)


OOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO


silang dalawa.

sila na humawak sa aking mga kamay nang muntik na akong malunod sa dagat ng kalungkutan.

salamat. nakilala at naging bahagi kayo ng buhay ko. :)

salamat at pinaniwala nyo akong mayroon pa rin naman akong tunay na kaibigan sa gitna ng isang libong tao.

salamat at pinaniwala nyo ako sa himala ng tunay na pagkakaibigan =)

j.

j.

balang araw, ako naman ang gaganti sa lahat ng pagmamahal at suporta na ibinibigay nyo sa akin.

......................................................................................................................................

pero syempre teka. bukod sa kanila, nanjan ang COT and TOT family!

claire

rona

cy

rama

pam

niel

ang pamilya ko sa eskwela.
walang papalit!

.ang lakas ko kay God!. isa lang ang nawala, isang buong pamilya ang pumalit!

MASAYA PAG MAY MGA TOTOONG KAIBIGAN!

:)


eda- december 28, 2008

No comments:

Post a Comment

COMMENT