I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Sunday, September 20, 2009

Halo-halong kwento sa Katedral ng Balanga. 09-09-09. alas dose ng tanghali

Kanina, pagdating ko sa Katedral nakita ko si Kuya Jay kaya sumama muna ako sakanya at dahil don, nakita ko sina Kris Aquino, James Yap at Baby James na palabas sa likuran ng Max’s papunta nang Katedral. Nagulat ako kasi biglag paglingon ko sila pala yon. Haha. Ang daming kabataan, mga highschool students, hindi magkamayaw. Sa Mayor pa lang ng Balanga, solve na sila at ang lakas tumili at nagpapapicture pa, lalo naman nang lumabas na sina Kris Aquino, nabingi yata ako.



Sinusundan ng mga tao sina Kris, artista nga naman. Kung nasaan sila, nandoon ang malaking kumpol ng tao kaya naman parang isang malaking heater yung loob ng Katedral kanina, hanggang sa labasan sa may pintuan sumisingaw ang mainit na hangin. Buti na lang pala hindi umulan ng malakas kundi mababasa kami ng mga taong nasa labas na lang nagsimba dahil hindi na kasya sa loob ng simbahan. Kulang na kulang yung laki ng Katedral para sa Misa kanina, ang dami talagang tao, lalo pa’t sinuspinde ang pasok sa highschool sa TDel at BNHS para makapagsimba sila.


Paliko na kami papuntang gilid ng Katedral nang makasalubong namin si Father Soc, nagsimula nang pumila ang mga nagmamano sakanya.. hanggang sa maubos na.. ako na lang hindi nagmamano sa aming lahat hanggang sa lumagpas na sya ng dalawang hakbang:

Kuya Jay: Oh bakit ka hindi nag mano
Eda: Ayaw ko, masakit kuya Jay eh. Aalis na siya.


Nagsisimula na yung Misa pero ang dami pa ring labas pasok sa gilid na pintuan ng harapan ng Katedral, hindi mapalagay kung saan pupwesto habang Misa. Yung mga madre nagpumilit pang pumasok pero makalipas ang ilang minuto, may mga lumalabas din. Yung ibang mga layko nagpupumilit ring pumasok, hindi ko alam kung magsisimba talaga o gusto lang makita si Kris Aquino at si “Papa” James. Sabi pa ng nasa harapan ko, “Aba, hindi ako papayag na hindi makita si Kris at Papa James”. At lahat silang pumasok sa loob ng Katedral, paglabas ay iisa ang itsura, kasama na rin ang pamilya Aquino, basing basa sa pawis na parang may libreng shower o umuulan din sa loob ng Katedral ni San Jose.

Ikalawang beses ko pa lang ito naranasan na magsimba sa labas ng Katedral: una noong installation ni bishop Soc, July 3, 2004. Kasi naman, kahit na late akong dumating sa bawat diocesan mass, humahanap pa rin ako ng paraan na makapasok at makaupo pa.



Pagkatapos ng Misa, paglabas ni Kris sa may pintuan na kinatatayuan ko, bigla namang dami ng tao doon so tinabihan ko na lang yung mga madre sa pintuan ng ossuary at pinanood silang pagkaguluhan ang Box Office Queen at RP Team Captain na magpuntang kumbento at doon naman dumami ang tao sa carpark ng kumbento.



Narinig ko nanaman ang umiiyak na boses ni Kris Aquino, “Sorry Archbishop Soc, but I can’t let go of Mom.” Sabi nya yon kasi sabi ni ARCHbishop Soc na we should let go of Tita Cory na daw kasi the essence of that forty days of mourning is learning to let go. Sorry Archbishop Soc, it is really hard to let go, it takes a lot of time, forty days is too short.



Narinig ko din ang humihikbing tinig ni Father Soc nangmabaling ang atensyon sa balita nang pagalis nya, “Hindi pa muna ako magpapaalam. Saka na lang, sa huling Misa ko na lang dito sa atin ko sasabihin ang aking damdamin, binigyan pa naman akong palugit na dalawang buwan. Magkikita-kita pa rin naman tayo.”…hik.. “binebendisyunan ko kayo sa ngalan ng Ama, Anak (..huhu) at …….ng………Espiritu…………………………
…………….. San….t….o……AMEN.”



Dalawang buwan na lang Bataan..




May mga taong pumunta lang yata sa Misa na yon para makita sina Kris at James at si Baby James na rin, pero meron din namang nakikidalamhati talaga sa pagpanaw ni Tita Cory.



Si Tita Cory, marami siyang itunuro sa atin. Isa sa paborito ko ang “Bayan muna bago ang sarili”. Selfless hindi ba. Ngayon kilala na natin si Tita Cory bilang Tita Cory, hindi bilang asawa ni Ninoy o bilang nanay ni Kris. Hindi ako nakiki-Tita Cory ako kasi uso, nakiki-Tita Cory ako kasi idol ko si Corazon-Cojuanco Aquino dahil sa kanyang selflessness, courage, integrity and love of nation.



Ang Misa kanina ni Father Soc, sa aking tingin, dalawa ang binalingan, ang para sa Ika ApatnaPung araw ng pagpanaw ni Tita Cory at para sa simula ng pagpapaalam kay Father Soc.



Father Soc. Msgr. Soc. Bishop Soc.

Ngayon

Archbishop Soc: the youngest archbishop.



Pagkatapos ng Misa, nakaupo ako sa Katedral, hindi ko naman talaga hinihintay si Lerie eh, Fergy, nakikipagkwentuhan ako kay San Jose, pero okay lang din na dumating ka..

Ang dami nanaman nating nagpagkwentuhan. Kakaiba. Ibang level. Pihado di nila kakayanin. Hahaha.

Actually, namiss ko yon, ang kalokohan pagkatapos ng misa ng Obispo. Nagkalat at umeepal sa kumbento, sa buhay ng mga pari. Haha :D



May nagpaparty talaga, at makikiparty na din ako sakanila kahit na hindi ko alam bakit sila nagcecelebrate..binalibali
ktad ko na rin lahat, tumungin na rin ako sa darkest side pero wala pa rin eh. Pero de bale na, makikiparty na din ako. Two years ago, bitter naman din ako eh.sasaluhan ko na sila. Haha


:D

No comments:

Post a Comment

COMMENT