I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Sunday, September 20, 2009

Isang milyong pirma para sa kaluluwa ni Eda!

Tatlong taon na ang nakalilipas nang sinabi sa amin na hindi na kami pwedeng umakyat sa altar tuwing may Misa at magserve bilang babaeng sakristan. Si Father Soc daw nagutos. Obedience. We need to follow. We have no choice.

Mula noon, unti-unti nang nawalan ako ng koneksyon kay God. Noong una, okay pa kasi nakakapunta-punta pa ako sa kumbento, nakakapagluto pa ako ng tortang talong, nakakapagpalipas pa ako ng dapit-hapon sa simbahan, nahihintay ko pang abutin ako ng dilim sa simbahan.. Noong una, kumpleto pa rin, wala lang ang pag-akyat namin sa altar, pero nakakapagserve pa din ako sa ibang bagay pero habang lumilipas ang panahon, nawawala ang mga taong dati kong nakakasalamuha. Nagseminaryo. Nagkolehiyo. Nagresign sa pagkasecretary ni Monsi, nagassign sa ibang parokya hanggang sa dumating ang araw, makalipas ang higit sa dalawa’t kalahating taon, naging kawayan at simpleng ngitian na lang ang pagbati namin sa bawat isa, na para bang wala kaming napagdaanan noon sa nakalipas, na para bang wala kaming pinagsamahang masasaya at mapapait na pangyayari sa Garden of Eden ng aming parokya. Naalala nyo pa ba ang kdoalympics na champion tayo pero ni piso wala tayong natanggap na tulong mula sa parokya, ang pait ng karanasan pero dahil sama sama tayo, naging matamis na tagumpay. Naalala nyo pa ba ang hulin nating dalaw kay Fr.Boy noong buhay pa siya, celebration nya noon ng birthday nya? Naalala nyo pa ba kung paano umiyak si Paulding mula Orion hanggang Balanga cementery? Nakakaalalala pa ba kayo?

Madami nga naman ang binabago ng panahon. Kapag hindi ka magiingat, pati ikaw mismo babaguhin nito.

Nagsimula ang kwento namin grade five pa lang ako, lumago at namulaklak noong second year high school ako at pinagbawalan na kaming magserve noong fourth year high school at ngayon, third year college student na ako pero yun pa rin ang hinahanap-hanap ko.

Sa parokya natin, sa ministry natin, dahil sa gabay ninyo, ng kura at ng Obispo natin, nahulog ang loob ko sa Diyos. Dahil sa lahat ng mga pinagdaanan nating masasaya at malulungkot na pangyayari, dahil sa mga opurtunidad na binigay ninyo sa akin, dahil sa mga taong pinakilala ninyo sa akin, dahil sa lahat ng mga aral na itinuro ninyo sa akin, natuto akong mahalin ang Diyos ng buong buhay ko. Oo, ang pangarap ko noon kuya Bob, yun pa din po ang pangarap ko ngayon.. pero sana maingatan ko pa siya nang matagal pa..


Ang paglilingkod sa inyo at kay God, yun sana ang buhay ko kaso nawala nang lahat.

Mula sa halos araw-araw na pagsisimba at pagdarasal ng Rosaryo hanggang sa hindi ko na alam kung kalian ang huli kong simba at dasal. Pati nga yata noong birthday ko, hindi ako nakapagsimba eh.
Ang aga kasi ng Misa ng mga Dominikano sa Chapel.haha XD

Ganito na ako ngayon, madami na din halos nagbago gaya nyo, wala na kasi saaking gumagabay. Paty dito, gimmick doon. Kahit ano na lang pinapasok ko. Oo, aaminin ko, kulang nakulang ang pinasok kong pinkabagong organization, first love at hinahanap-hanap kasi ng puso ko ang paglilingkod sa parokya. Wala naman kasing pangkabataan na samahan sa parokya namin, Monsi, pakinggan mo po ako, wag magbingi-bingihan sa tawag ng panahon.


Ikaw, matutulungan mo ba ako?

Isang milyong pirma para sa kaluluwa ni Eda! Haha

Isang milyong pirma din para pakinggan ako ng kura ko! Hahahaha

Daan daang bilyong pirma para dito na lang ulit sa Bataan si frSoc! Hahaha


O kaya naman, ampunin nyo na lang ako sa parokya nyo, pramis papasalubungan ko kayo palagi ng kendi. Haha :D

No comments:

Post a Comment

COMMENT