I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Monday, September 28, 2009

Galit ako sayo Ondoy!

Ang pangit ng pangalan mo, ang baho pa pakinggan at ang sama pa ng idinulot mo saming lahat!

Bakit ba kasi hindi ka na lang matunaw sa kahihiyan bago ka pa pumasok sa teritoryo namin. Alam mo naman yatang makakapatay ka ng higit sa isang daan. Dahil sayo wala nang bahay yung iba naming kapatid, dahil sayo nagugutom na yung maraming kaibigan namin doon sa Maynila, Bulacan at Pampanga at dahil sayo nawalan sila ng tatay, nanay, ate, kuya at baby, dahil sayo hindi na tuloy buo yung pamilya.

Home wrecker ka pala eh! Daig mo pa ang kerida.

Alam mo bang inubos din ng baha mo yung lahat ng kagamitan sa bahay, mga damit, alahas at yung kotseng pinagipunan nila ng matagal.


Mapapalitan mo ba yon?
Eh No Permanent Address (NPA) ka naman.


Ayos lang naming dumaan ka eh, bakit kailangang saamin mo pa ibuhos ang sama ng loob mo pwede namang sa Pacific Ocean na lang o kaya sa South China Sea. Alam mo namang mahirap lang kami.

Hindi kami handa, ambilis mong mameswisyo.


Bukod sa inubos na yata ng kung sinong may posisyon sa gobyerno yung pambili ng pangresbak sayo, eh hindi naman kasi kongkreto lahat ng bahay naming magkakapatid na Pilipino.


Nakita mo ba yung litrato nang inaagos na nawasak na bahay tapos may mga taong nakatayo sa ibabaw? Alam mo bang may bata doon na nakaupo lang sa planggana at ngayon hindi na siya mahanap pati rin nanay niya.


Wala rin tuloy kaming pasok sa eskwela kasi pati yung mga classrooms namin eh pinasok ng baha dahil sa dami ng ulan mo. Gusto naming matuto noh, baka ikaw ang ayaw! Wag mo na kaming idamay.


Oo nga, nakaalis ka na (buti naman umalis ka na!) puro putik naman iniwan mo. Ayaw mo talagang makalimutan ka namin. Gusto mo pa yung malagay ka sa history, maepal ka masyado.


Tapos iyon, bawal bawalan mo na yung dalawa mo pang kadugong bagyo na papasok ulit sa Pilipinas, Sabihin mo naman, okay lang naman na bagyuhin kami pero wag naman yung pagkalipas lang ng isang gabi ubos na lahat ng meron samin.


Hayan, dahil sa napakasama mong dinulot, nakikita tuloy ng buong mundo ang isa sa pinakamagandang ugali at kultura ng mga Pilipino: ang bayanihan.


Beeelat! Mag tutulungan kami at malalampasan ka namin. Isa ka lang naman sa mga nakalinyang pagsubok jan. Kayang kaya namin to nang nagkakaisa.


Isa pa, hindi ka na mauulit pa kasi matututo na kami.

Magtatanim na kami ng mga puno sa paligid at iiwasan na naming ang magtapon ng basura sa mga ilog at kanal.

Mejo nakalimutan lang kasi naming yon.


Special mention kay Inang Kalikasan, pasesnsya ka na po sa tigas ng ulo namin ha. Di na po mauulit, sana di na maulit. Mahal ka naman namin eh. Promise!


At huli, para sayo Ondoy, tama na ngang kami na lang, matunaw ka na sa kahihiyan! Wag ka nang manalanta sa iba pang bansa. Tantanan mo na ang Vietnam.

No comments:

Post a Comment

COMMENT