I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Saturday, September 19, 2009

alin kaya muna?

Ang hirap mangarap kapag ang dalawa ang tinitirhan mong mundo.




separation of church and state anyone?...anyone?...



CHURCH

naririnig ko si God, tinatawag ako. gusto ko din syang sagutin pero nahihirapan akong magdesisyon. siguro natatakot ako, tama, natatakot nga ako!. kadalasan naguguluhan na ako sa buhay ko at kung ano ba talaga ang gusto ko. pero ang makasama si God lang ang palagi kong pinapangarap na mangyari sa buhay ko labinlimang taon mula ngayon. alam ko sa sarili ko na doon lang ako magiging masaya. alam ko sa sarili ko na doon lang mapapanatag ang puso ko.
nag aalab ang pagmamahal ko kay God at pasigaw rin ang boses na naririnig ko mula sa kanya. para bang sa eksaktong channel ng TV ako nakatutok habang si God ang nagsasalita sa harapan ko.
KAYA lang, natatakot talaga ako. marami pa ring katanungan. paano kung biglang sa pagtanda ko bigla kong gustong maging isa ina? paano kung bigla na lang akong malungkot sa kumbento? paano kung bigla kong gustuhing may makasamang isang taong mamahalin ako sa isang makamundong paraan? PERO, kahit na may mga tanong ako na ganito, nakasisiguro pa rin ako na sa kumbento, sa piling ni God lang ako magiging tunay na maligaya.
gusto kong maging madre. dasal. lingkod. lahat para kay God.




STATE
sa UST ako ngayon nag-aaral. mahirap. pero gusto kong maging isang taga gawa ng gamot. gusto kong isalba ang maraming tao sa bawat gamot na gagawin ko. hindi man nila ako makita, alam ko naman sa puso ko na may ibinahagi ako sa isang tabletang inimon nila para gumaan ang sakit na nararamdaman nila.
hindi pa ako masyadong nasisiyahan sa course na kinuha ko noong mag simula ang semester nang first year ko. mahirap dahil sa botany. tapos dumating pa ang trigonometry at kung anu-ano pang mga problema sa math na hindi ko na man masulusyunan dahil 'yun ang kahinaan ko. kung baga, ang math ang kryptonite ng isang superwoman na kagaya ko. pero nang magsimula ko nang maapreciate ang bawat gabing pinag puyatan ko, ang bawat eye bag na mayroon ako at ang bawat pag kulo ng sikmura dahil sa gutom na naranasan ko, gusto ko na pala ang trabahon ibibigay sa akin ng pinag aaralan ko ngayon.
pagnatapos na ako sa pag-aaral ng pharmacy, hindi ko na binabalak maging doktor. or pangarap ko pa rin yon na dala dala ko mula pagkabata.
pero bakit ngayon, hindi ko makita ang sarili ko, labinlimang taon muna ngayon na may gwapong asawa, magandang bahay, at cute na mga anak. wala sila sa plano ko.
*ang lahat ng nakikita ko muna sa estadong bahagi ng buhay ko ay hanggang sa paggradute ko ng college at masayang nag paparty gabi-gabi at nag tatrabaho sa umaga.
gusto kong maging pharmacist. trabaho sa umaga. party sa gabi.


minsan, sa pangkaraniwang araw ng buhay ko, at kadalasan sa mga di pangkaraniwang okasyon na nadadaluhan ko, biglang nag hahalo ang buhay estado at buhay simbahan.
at sa mga paminsan minsan kong karanasan na ganito ako pinakamasaya. dito panatag ang loob ko at masaya ang isip at puso ko, at ang mga ganitong pagkakataon ang nananatili sa malaking bahagi ng isip ko para sa mga alaala.


No comments:

Post a Comment

COMMENT