Noon, ang sagot namin sa tanong na “Bakit?” ay dahil sa gusto naming paglingkuran ang Panginoon. Lagi namang ganun ang sagot, diba? Pero sa pagtagal ng panahon, sa bawat araw na lumilipas ay nababago ito. Halos isang taon naming pinag-aralan ang halos lahat tungkol sa simbahan. Lliturhiya, Sakramento at marami pang iba. Isang taon ang ginugol namin para sa wakas ay makapagsuot kami ng suot na namin ngayon, ang gaila. Itong para sa inyo ay simpleng tela lamang na tinahi para makabuo ng damit, ay isang napakahalagang tagumpay. Para na rin naming tinanggap ang diploma sa eskwelahan. Hirap at talino rin ang kinailangan namin, halos eskwelahan na ang St. Peter’s Hall noon. Tuwing Miyerkules at Sabado, ilang oras kaming nakaupo. At salamat sa mga nagturo sa amin ay nakamit namin ang talinong ito, ang mga kaalaman at napakaraming impormasyon tungkol sa simbahan, ang mga sinisimbolo ng bawat bagay na banal, at ang mga magagandang pagkakataon na aming hinarap.
Sometimes letting go is saying goodbye to something or someone we have shared our lives and became part of us. We will let go if that is the right thing to do, a servant always obeys her master. We have served the Lord and this organization the best we could to make it always best. Bawat simula ay may katapusan. Sana ang sinimulan nating pagkakaibigan at kapatiran ay hindi matapos. Matatapos lamang ang pag-akyat namin sa altar tuwing may Misa pero hindi kailanman matatapos ang pagmamahal namin sa inyo lalong-lalo na sa Panginoon.
Maraming salamat sa napakaraming opurtunidad na ibinigay ninyo sa amin para makapaglingkod sa inyo at kay Kristo. Ngayon, ang sagot na namin sa tanong na “Bakit?” ay dahil mahal namin ang Panginoon ng buong buhay at maging kayo na aming mga kapatid sa pananampalataya. We will never forget those laughters that we have been sharing all through these years and most especially those pains and anxieties that we have fought and survived together as one.
Forever, we are one ministry, one group, one body…
‘Till next time….
eda -August 29, 2005
No comments:
Post a Comment
COMMENT