O, Panginoon hiling ko ang yong awa
Ako'y piliin mo at gawing alila
Ng kapatid ko't yong anak na mga dukha
Dito sa aming mundong puno ng luha
Tumatawag ako sa iyo, o Ama
Gawin mo akong instrumento at kalinga
Upang aking mapawi ang dulot na basa
Ng maraming dugong kumalat sa mga bansa
Tulutan mong gawin ko aking makakaya
Pagkat ayaw kong maging katulad nila
Ako na isang bato sa gitna ng wala
Na nananatili sa sentrong sakuna
Bigyanm mo akong lakas upang aking magawa
Na malagpasan mga pasakit at dusa
Ika'y aking pagmamahal at pag-asa
Kristo na nananatili, maawa ka
O Diyos na buhay sa aking gunita
Ang nais ko ay tayo na maging-isa
Sa pagmamahal sa'yo aking nakita
Ang katotohanang buhay ay biyaya!
*assignment namin noong fourth year highschool ako sa Filipino.
No comments:
Post a Comment
COMMENT