Paalam ko kay Gelo. Hindi ito ang huli. Pero ito ang isa sa kanila.
May nagsabi sa akin na ang bawat kaibigan na ating nakikilala sa haba ng buhay na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos ay kayaman na dapat pagyamanin at alagaan.
Marami na akong naging kaibigan sa paglalakbay ko sa buhay ko na ito. Labing walong taong gulang pa lamang ako pero mejo marami na din akong napagdaanan at sa iba’t ibang landas na iyon na aking tinahak sa paghahanap sa kaganapan ng aking buhay ay marami akong nakikilala, nakakasalamuha at ang ilan sa kanila ay nagiging kaibigan at mabibilang lang sa mga iyon ang tumatagal. Sa isa sa mga ruta na aking tinahak ay sinuerte ako dahil may nakilala akong isang tao na hindi ko namamalayan ay sumakop na pala sa malaking bahagi ng aking buhay, ng aking puso. Siya si Gelo. Sa kanya ako nagpapaalam ngayon.
Mag lilimang taon na tayong magkaibigan Gelo. Naaalala ko pa yung hapon na tinext mo ako kasi kinuha mo yung number ko sa friendster account ko kasi naamaze ka kasi babae ako na sacristan. Nagulat din ako sayo kasi nagulat ka na may babaeng sacristan. Sorry kasi pagkatapos ng ilang taon kong pagiging sacristan ay kailangan kong tumigil dahil na din sa obedience, naalala ko, nalungkot ka din noon ikinuento ko sayo ang galit at lungkot ko. Naalala ko sabi mo sakin non: Naku proud pa naman ako kasi may friend ako na babaeng sacristan!
Tagalog ako ngayon nagpapalam sayo friend kasi UNA: tagalong yung libro mo na nasaakin! At IKALAWA: tagalong din yung kunwaring librong ibinigay ko sayo. Nosebleed talaga yung librong yon kaht tagalong diba! Ang lalim eh.
Ang dami na din nating napagkwentuhan at manginlan ngilang pinagdaanan na magkasama. Naaalala mo ba, nilibre mo pa ako sa Greenwich pero teka, nilibre din yata kita sa Michelle’s! haha.
Malungkot ako Gelo kasi iniwan mo ako. Nangungulila ako sa mga salita mo na minsan nakakapagpasaya sa araw ko at minsan na nakakatulong sa paggawa ko ng desisyon. Susulatan na lang kita ngayon kasi hindi na kita maitext kasi wala nang magrereply sa akin.
Hindi ko sinasabi sa iyo pero kadalasan mas kilala mo pa ako at ang buhay ko kaysa sa bestfriend ko, kaysa sa magulang ko at siguro kaysa sa sarili ko.
Salamat sa mga payong pangkaibigan mo sa akin. Salamat naman din sa mga payo galing sa isang psychologist. At dahil sa mga payo na yon minsan tuloy naiisip ko na baliw na yata ako kasi heto ako tinatanong ng random question ng isang psychologist at sa sarili ko hindi ko matanggap ang mga sagot kaya sinasabi ko na lang sayo kaya pinagtatawanan mo ako kasi ang drama drama ko para sa wala. Sa haba ng sentence na yan, ikaw lang makakaintindi non kasi ikaw lang may alam.
Oo nga pala, alam mo bang ikaw ang may kasalanan kung bakit ako naadick dati sa O2 jam at dahil doon natuto na din akong mag audition. At may isa ka pang itinuro sa akin na site na parang
Kumusta pala yung mga email mo kay fr.Jun? Natuloy ba yon? Sabi mo sa akin na gagawa ka na din ng podcast para sa site ng diocese. Napanood ko na yung ilan doN! J Mayroon silang ipinapanood noong unang punta ko sa bahay nyo. Sorry kasi hindi ko na napanood kasi hindi ko kaya kasi papaiyakin mo lang ako lalo! Grabe ka talaga, ang dami kong luha na naubos para sayo. Sorry kasi ikaw yan Gelo na umalis.
Oo nga pala, may ibinulong sa akin yung daddy mo. Gelo, gusto mo ba yon na mangyario dati? Di mo kasi sinabi sa akin eh. Teka, pero di ko expected na sasabihin yon ng daddy mo sa akin sa panahon pa na iyon. Salamat kasi ganoon pala ako kaimportante sa iyo kaibigan! J
Kung siguro isusulat ko lahat ng mga alaalang mayroon tayong dalawa, aabutin ako ng taon kagaya ng sa hinaba-haba ng taon nating magkaibigan. Hanggang jan na lang muna ang ikukwento ko sayo na mababasa ng ibang tao tapos yung ibang kwento, pagkukwentuhan na lang natin pag dalaw ko sayo. Mag bibirthday ka na! pakain ka !
Sa text nagsimula ang ating pagkakaibigan at sa text di ko inaasahan matatapos ang lahat. Salamat kasi sa akin ka nagtiwalang sabihin ang mga bagay na iyon. Salamat kasi ako ang pinili mo na kausapin sa panahon na hirap ka na. Bakit hindi mo sa akin ipinaramdam noong panahong iyon na nasasaktan ka na pala. Lagi naman kitang tinatanong pero kagi ka ring nagdedeny na nasasaktan ka na pala.
Gelo, salamat sa lahat ng taon na na pagbabahagi mo sa akin ng iyong buhay. Salamat sa limang taong pakikihati sa buhay ko at sa buhay mo. Hindi kita boyfriend diba? Hindi mo rin ako girlfriend dahil alam ko higit pa tayo doon. Ang kung ano mang mayroon tayo ay mananatili at matibay na tatagal habang buhay o habang may isip at puso pa ako na ikaw ang alaalang laman. Minahal kita Gelo at hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. Ako rin hindi ko rin maintindihan si God kung bakit ikaw pa. Kung bakit kung sino pa ang kagaya mo ang kinukuha nya. Siguro naisip ni God na ayaw ka na nyang masaktan pa. Sabi ko naman sayo na kakayanin mo ang lahat kasi alam ni God kung ano ang limitasyon mo. Sa panahong sobrang nahirapan ka na, oh di ba, kagaya ng sa footprints in the sand ay binuhat ka nya at dahil ayaw na Nyang masaktan ka pa ay isinama ka na nya sa kanyang paraiso. Ikaw lang ang laman ng dasal ko kasi ikaw lang din naman ang laman ng isip at puso ko sa ngayon. Aaminin ko na siguro sa pagtagal ay mapapagod din ako sa pagdarasal ko na ikaw lang pero pangako, Gelo na hindi ka mawawala sa bawat usapang magkakaroon kami ni God. Alam ko kasama mo na si God ngayon, ano itsura? Guapo ba? Hehe.
Miss na kita agad. Sa gabi ikaw na lang ang laman ng isip ko. Tulungan mo akong matutunang huwag ka nang mamiss kagaya ng sa ngayon. Mahirap. Nang mag sink in na sa akin na wala ka na nga, doon halos hindi ko nakayanin pero naisip ko na masaya ka at naisip ko na dapat maging Masaya na din ako para sa iyo.
Isa ka sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Ngayong wala ka na, sino na ang kausap ko sa tuwing malungkot ako? Sino na ang kasama kong magsasabing “Si Bamboo pala ang magmimisa!” Sino na ang makikipagkita sa akin sa tuktok ng bundok Samat? Wala na akong kaparehas na telepono, sino at ano pa ang dahilan kung bakit ito ang maging cell phone ko? Sino na ang magcocomfortsa akin sa mga gabing nalulungkot ako dahil sa mga porblemang ikaw lang din ang nakakalam?
Tama nga ang sinabi nila. Hindi lang kami nawalan ng isang Gelo kundi nawalan kami ng Angelo na may maraming malaking puso para sa lahat ng tao. Tama rin ang sinabi ng daddy mo na tanging ang pisikal na katawan mo lang ang nawala, hindi ang mga alaala na iniwan mo sa bawat isa sa amin. At dahil doon, forever (hindi ko alam kung ano tagalong nyan) kang kasali sa araw-araw na paglalakbay namin.
Babasahin ko itong libro mo ng paunti unti ha. Gusto ko kasing tumagal, pakiramdam ko kasi ay kinukwentuhan mo ako ulit kapag binabasa ko ang libro mo.
Mahal kita Gelo. Magkita na lang tayo ulit sa kung saan mang lugar gustuhin ni God. Ipagdasal mo ako. Malakas ka kay God eh lalo pa ngayon kapiling ka na nya
.
ang lupet moh:D
ReplyDeletenaaalala ko yung sa akin:D