Igalang ang pari.
Iwasto at ipanalangin ang paring may pagkakamali.
Ikuwento ninyo si Father kay Jesus.
Huwag ninyong pagkuwentuhan sa inyong umpukan ang inyong pari.

Ang pangit ng pangalan mo, ang baho pa pakinggan at ang sama pa ng idinulot mo saming lahat!
Bakit ba kasi hindi ka na lang matunaw sa kahihiyan bago ka pa pumasok sa teritoryo namin. Alam mo naman yatang makakapatay ka ng higit sa isang daan. Dahil sayo wala nang bahay yung iba naming kapatid, dahil sayo nagugutom na yung maraming kaibigan namin doon sa Maynila, Bulacan at Pampanga at dahil sayo nawalan sila ng tatay, nanay, ate, kuya at baby, dahil sayo hindi na tuloy buo yung pamilya.
Home wrecker ka pala eh! Daig mo pa ang kerida.
Alam mo bang inubos din ng baha mo yung lahat ng kagamitan sa bahay, mga damit, alahas at yung kotseng pinagipunan nila ng matagal.
Mapapalitan mo ba yon?
Eh No Permanent Address (NPA) ka naman.
Ayos lang naming dumaan ka eh, bakit kailangang saamin mo pa ibuhos ang sama ng loob mo pwede namang sa Pacific Ocean na lang o kaya sa
Hindi kami handa, ambilis mong mameswisyo.
Bukod sa inubos na yata ng kung sinong may posisyon sa gobyerno yung pambili ng pangresbak sayo, eh hindi naman kasi kongkreto lahat ng bahay naming magkakapatid na Pilipino.
Nakita mo ba yung litrato nang inaagos na nawasak na bahay tapos may mga taong nakatayo sa ibabaw? Alam mo bang may bata doon na nakaupo lang sa planggana at ngayon hindi na siya mahanap pati rin nanay niya.
Wala rin tuloy kaming pasok sa eskwela kasi pati yung mga classrooms namin eh pinasok ng baha dahil sa dami ng ulan mo. Gusto naming matuto noh, baka ikaw ang ayaw! Wag mo na kaming idamay.
Oo nga, nakaalis ka na (buti naman umalis ka na!) puro putik naman iniwan mo. Ayaw mo talagang makalimutan ka namin. Gusto mo pa yung malagay ka sa history, maepal ka masyado.
Tapos iyon, bawal bawalan mo na yung dalawa mo pang kadugong bagyo na papasok ulit sa Pilipinas, Sabihin mo naman, okay lang naman na bagyuhin kami pero wag naman yung pagkalipas lang ng isang gabi ubos na lahat ng meron samin.
Hayan, dahil sa napakasama mong dinulot, nakikita tuloy ng buong mundo ang isa sa pinakamagandang ugali at kultura ng mga Pilipino: ang bayanihan.
Beeelat! Mag tutulungan kami at malalampasan ka namin. Isa ka lang naman sa mga nakalinyang pagsubok jan. Kayang kaya namin to nang nagkakaisa.
Isa pa, hindi ka na mauulit pa kasi matututo na kami.
Magtatanim na kami ng mga puno sa paligid at iiwasan na naming ang magtapon ng basura sa mga ilog at kanal.
Mejo nakalimutan lang kasi naming yon.
Special mention kay Inang Kalikasan, pasesnsya ka na po sa tigas ng ulo namin ha. Di na po mauulit,
At huli, para sayo Ondoy, tama na ngang kami na lang, matunaw ka na sa kahihiyan! Wag ka nang manalanta sa iba pang bansa. Tantanan mo na ang

Ang mabilis na paglipas ng panahon, sinasasbay nito ang mabilis na pagbabago na pumupunit sa aking kalooban, at sa aking sariling pakiwari ay naibulong ko na lamang: Ano ang tunay kong misyon sa buhay? Ano ang dapat kong gawin?
Kailangan kong malaman ang kasagutan sa aking mga tanong ngunit hindi ko alam kung papaano. Nais kong malaman ang paraan para masumpungan ang aking pagtatanong.. Ayaw ko sanang lagi na lamang ganito, ayaw kong nagdadalawang-isip sa bawat hakbang na aking iyayapak. At sa paggising ko sa umaga, ibig kong imulat ang aking mga mata sa mundong puno ng pag-ibig at kapayapaan. At sa pagbangon ko, aking tutulutan ang aking kapwa sa kapighatian. Ang pag-ibig ay aking makakamit. Ang lahat ng bagay na naisin ng aking buhay ay mananatili sa isang sulok ng aking puso. Lalakbayin ko ang lahat ng dagat upang makamit ang aking bawat pangarap.
Ang buhay ay maikli lamang…Ako’y magpapatuloy sa paglalakbay ng malinis ang puso. Ngunit akin pa ring pagnanasa na masagot ang aking mga katanungan. Hanggang sa huling sandali ng aking buhay ay akin pa ring ibubulong sa sarili: Nagawa mo ba ang misyon mo sa mundo? Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, sa patuloy na paglalakbay mo, masasagot rin ang iyong mga katanungan. Mawawala rin ang iyong pag-aalinlangan.
2) Eh nung 2nd yr?
– II - Rose
3) 3rd yr?
– III - Sagittarius
4) 4th yr?
– IV - Diamond (gaganda ng names ng sections namin no?! hahaha! XD)
5) Anong best year for u?
– third year ! suupper! lahat na ng kalokohan, katangahan, kagagahan, kabulastugan, kalupetan, katripan, kakornihan, katatawanan, kadramahan ay nadiyan panay kaming nag-aaway ni papa kasi panay naman ang uwi ko ng gabi.
6) Marami ka bang friends nun
– Uo naman!.walang kwenta highschool life kung wala kang loko lokong barkada!
7) Saan kau kumakain kapag lunch?
– taga Hermosa kasi ako kaya umuuwi pa akong hermosa. kapag madami ginagawa o nag-away kami ni papa o may proj. kami sa Campus Ministry naghohotdog na lang ako sa canteen canteenan ng school namin minsan naman nagpapaadobo yung mama ni jersey kaya dun kami kumakain ni amiel. minsa naman kapag napapagkaisahan ng klase na wag nang pumasok sa hapon, nagluluto nal ang kami ng magic corned beef kina amiel (to the tune of Let the Love Begin) haha
8.) Saan tumatambay after skul?
– halos araw-araw kina amiel. nanonood kami ng VCD (di pa uso DVD non). nagrerent kami sa Video City. Pwede na nga akong maging stock holder dun eh. haha. sabihin mo lang name ko makakapagrent ka na, kahit wala yung card. XD (kaso nagsara na sila ngayon. huhuhu) ….tapos sabay kain ng Halo-Halo. nakakamiss yung mga panahong yon grabe!
kapag dumidilim na namomroblema na ako non kasi di pa tapos yung movie kailangan ko nang umuwi kasi magaaway nanaman kami ni papa XD
kapag hindi ordinaryong araw, naliligaw ako sa Katedral..
minsan sbi ko ki papa (ay mali, kadalasan pala XD): “Gagawa lang po kami ng proj. kaya gagabihin ako mamaya”… kapag ganon, automatic sa Katedral sa Balanga punta ko. pinakamalupet nung nagka NYCC(National Youth C…. Council ) sa balanga,kasama ko si fergy, sabi namin mag boboyhunting kami, tapos nauwi naman kay Bishop Baylon. amp! hahaha
loooove highschool days!
9) Lagi ka ba late pag morning?
– aba Oo! haha. “Taga Hermosa po kasi ako” ang panay kon gpalusot na lumulusot naman
noong minsan, [pero halos araw-araw talaga ako late XD, eto langyung isa sa di ko malilimutan] (Lunes ng Umaga) na late ako sa flag ceremony! so second batch kami na magfflag ceremony.. 2 kami sa class na nalate, pumila ako sa likuran ng kaklase ko kasi mejo mainit dugo sakin ng principal namin (Sir Tolentino) kasi President ako ng Campus Ministry tapos madami akong pakulo kasi September, bday ni Mami MAry tapos panay imbita pa ako ki bp.sok na mag misa sa amin…… (backto my story) tinawag ba naman ako!!!!! sabi “Okay, DEFINITELY Miss Maria Eda Maningat will lead the National Anthem” what the heck! the i shouted “NO WAY SIR!” tapos sabay text.. so yun, nag play nalang sila ng recorded na Lupang Hinirang!
sorry, baka hindi ko mabigyan ng justice yung Lupang Hinirang kaya tinanggihan ko na lang. XD
10) Nasuspend ka na ba?
– hindi nila ako kayang isuspende! magsasara ang Jose Rizal Institute! hahahahahaha. magkakaroon ng either rally or boykot ng mga estudyante!
joooke
11) Bakit?
– Malay ko, baka trip lang nila? hahaha
naalala ko nung 1st year palangako, 1st time kong maoffice! si Mam Galicia pa ang principal..
napaiyak ko yung katabi ko (na sa 2nd year highschool ay nalipat ng lower section) kasi tinutukso ko siya sa teacher namin sa TLE..
tapos paguwi, kasi sinusundo siya ng tatay nya at 11-12 noon yung oras ng TLE namin, nakita ng tatay na umiiyak..so bumalik sila sa school at nagsumbong sa principal, so nang palabas ako ng school, bigla akong tinawag ni Chief Melo (security guard namin) sabi tawag daw ako sa office. kala ko ililibre ako ng lunch ni mAn Galicia,yung pala nagsusubong yung tatay ng napaiyak ko.. oh well, wala namang nangyari..kasi naman, duuhhh..kasamahan ko kaya sa simbahan tuwing week ends si mam Galicia kasi taga Hermosa din siya at siya pa ang Pres. ng CWL non… ahahahahaha.. asa ka naman!
sayang kasi nung 2nd year na kami nagretire na siya at napalitan na siya ni Sir ToLentino bilang principal na MEJO mortal kong kaaway. haha
12) Have u ever danced on stage?
– ooooOOOhh yes! hahaha.. mga memorable kong sinayaw: Bayani at Banal, Tara Tena, Celebrate Youth… XD ang kuleeeet kasi nila
13) Nanligaw ka ba noon? (for boys) May nanligaw ba sau nun (for girls)?
– wala masyado eh.. groupie ako nung highschool. 4th year na ako nagkaboyfriend —na legal. hahahahahaha .,.oh diba, ambait ko XD.
3rd year …ang illegal XD
secret na lang ang definition ko sa legal boyfriend! hahahaah
14) Nagka bf/gf ka ba nung highschool?
– Ya.
15) Sino all time crush mo nun?
– wula eh.. hehe.ay teka, si gelo? amp.. hahahaha. hindi ko naman nagiging crush yung campus crush eh. feeling ko kasi ang cheap.
16) Would you go back sa HS?
– Sure! basta ba same people, sama time, same age..sama lahat.parang time machine.
17) Ano lagi mong binibili sa canteen?
– Naku, seasonal kasi ang barkada favorite namin.. may chikito. Hi-Ho, yung nagyeyelong parang jelly ace na stick, demolino, tatoos, cloud9..at madami pang iba..karamihan sakanila tagpipiso lang. XD
18) Overpricing ba ang canteen nyo?
– hindi. subukan nila!
19) Nakakita ka n ba ng multo sa skul?
– nang picturan kami, sa likod (sa kabilang builing)..meron.
tapos may narinig na din ako sa CR ng girls.
20) Have you ever sang on stage pag may program?
– ay hindi. nahiya akong ishare ang aking boses.. haha. nang ginusto ko naman, hindi natuloy! amP!
duet dapat kami ni Jersey sa PANUNUMPA sa komunyon ng misa ni bp.sok eh :((
21) Fave subjects?
–Lahat! hahaha… honor student yata to!
22) Bumagsak ka n ba?
–never… ever.. sana ngayon gcollege wag din. (cross fingers).
23) Have you ever been sent out?
– Nope! yung teacher and na SENT OUT ng class namin! hahaha.
here’s the tally:
#of times MAPEH teacher cried (itago natin sa pangalang BB4641200RS): 4? 5?
hahahaha. nagcucut ng class yung almost half ng class namin sabay kaway pa silasa hagdan na kita sa bintana XD
#or teachers who cried because of us: 3? 4? tekaaaa.. basta nanjan sa dalawang numbers na yan. XD
24) Malayo b ang HS bldg sa canteen?
– hindi . isang volleyball court lang ang pagitan
25) Have you ever ran in the court?
– Uo naman. nagpapatintero pa nga kami doon eh XD napagalitan na kami ni Mam Hernandez once pero hindi yun sapat! hahaha. sa third time na pagalitan kami saka kami tumigil .XD una class lang namin, tapos gumaya yung ibang section tapos in the end, nakipag compete kami sakanila…at nanalo kami. hahah! XD hindi intrams nyan ah…a!and 4th year na kami nyan!
26) Varsity?
– YAAAAAAAAAAAAAAAA. Abot hanggang Regionals.. 9th place pa! Table Tennis, singles A.
27) Do you miss your school?
– VERY MUCH! hindi kami nakahanap ng panahon na dumalaw last summer vacation. huhuhu
28) Sino pinaka-dakila sa batch niyo?
– lahat kami dakila! hahaha.. 4-Diamond Batch 2007.
walang tatalo! walang papalit!
…naalala ko lang, yung napaiyak namin na MAPEH teacher namin, nang ayw na kaming pasukan, principal na lang yung nagturo, pero clueless naman siya kaya nagwalkout din yata sya nun after kmaing pagalitan.
29) Ano mga awards mo nun?
– mga honor student medal… athlete of the year.. tsaka mga competition na napapanalunan ko.. jounalism lang pala yung competition na yon. hahaha XD
30)Mga advisers mo?
–I-LOVE-Maam emerlinda guevarra (social studies 1 teacher namin)
II-ROSE-maam wilma manalac (biology teacher namin)
III-SAGITTARIUS-maam ruth sumandal (chemistry teacher nmin)
V-DIAMOND-maam elenita liwanag (economics teacher namin)
31) Naging officer ka ba?
– saaN? hahahahaha
32) May nakaaway ka ba nun?
–meron! pero 4thyear na ako nun. si maricris.. hehehe.nakalimutan ko na uyng pinagawayan namin.. di ko lang makalimutan na nag-away kami kasi sinigawan nya ako, muntik ko nang masabing “youre so cheap shouting in front of my face” hahahahah.
pero bati na kami ngayon! lab yu maricris!
33) Anong role mo pag foundation day?
– Liturgy.. taga gulo.. taga sigaw. haha.. saya nang 4th year, kasi kami na non ang top students ng school kasi kami ang 4th year, pinakamatanda tapos kami pa ang 1st section.. hahaha..
feeling namin mga boss kami. panay request ng kanya tsaka pa hello eh.
34) Pinaka close mo nun?
– JERSEY!..amiel!..michelle.. medeth..
hanggang n gayon naman sina Jersey at amiel pa din! minsan pati si mitch!
35) Pumasok ka ba sa CR ng opposite sex?
– oO naman! hahahaha. napasukan ko na lahat ng rooms sa school!
heto ang barkada ko mula highschool hanggang sa habang buhay!!!
Paalam ko kay Gelo. Hindi ito ang huli. Pero ito ang isa sa kanila.
May nagsabi sa akin na ang bawat kaibigan na ating nakikilala sa haba ng buhay na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos ay kayaman na dapat pagyamanin at alagaan.
Marami na akong naging kaibigan sa paglalakbay ko sa buhay ko na ito. Labing walong taong gulang pa lamang ako pero mejo marami na din akong napagdaanan at sa iba’t ibang landas na iyon na aking tinahak sa paghahanap sa kaganapan ng aking buhay ay marami akong nakikilala, nakakasalamuha at ang ilan sa kanila ay nagiging kaibigan at mabibilang lang sa mga iyon ang tumatagal. Sa isa sa mga ruta na aking tinahak ay sinuerte ako dahil may nakilala akong isang tao na hindi ko namamalayan ay sumakop na pala sa malaking bahagi ng aking buhay, ng aking puso. Siya si Gelo. Sa kanya ako nagpapaalam ngayon.
Mag lilimang taon na tayong magkaibigan Gelo. Naaalala ko pa yung hapon na tinext mo ako kasi kinuha mo yung number ko sa friendster account ko kasi naamaze ka kasi babae ako na sacristan. Nagulat din ako sayo kasi nagulat ka na may babaeng sacristan. Sorry kasi pagkatapos ng ilang taon kong pagiging sacristan ay kailangan kong tumigil dahil na din sa obedience, naalala ko, nalungkot ka din noon ikinuento ko sayo ang galit at lungkot ko. Naalala ko sabi mo sakin non: Naku proud pa naman ako kasi may friend ako na babaeng sacristan!
Tagalog ako ngayon nagpapalam sayo friend kasi UNA: tagalong yung libro mo na nasaakin! At IKALAWA: tagalong din yung kunwaring librong ibinigay ko sayo. Nosebleed talaga yung librong yon kaht tagalong diba! Ang lalim eh.
Ang dami na din nating napagkwentuhan at manginlan ngilang pinagdaanan na magkasama. Naaalala mo ba, nilibre mo pa ako sa Greenwich pero teka, nilibre din yata kita sa Michelle’s! haha.
Malungkot ako Gelo kasi iniwan mo ako. Nangungulila ako sa mga salita mo na minsan nakakapagpasaya sa araw ko at minsan na nakakatulong sa paggawa ko ng desisyon. Susulatan na lang kita ngayon kasi hindi na kita maitext kasi wala nang magrereply sa akin.
Hindi ko sinasabi sa iyo pero kadalasan mas kilala mo pa ako at ang buhay ko kaysa sa bestfriend ko, kaysa sa magulang ko at siguro kaysa sa sarili ko.
Salamat sa mga payong pangkaibigan mo sa akin. Salamat naman din sa mga payo galing sa isang psychologist. At dahil sa mga payo na yon minsan tuloy naiisip ko na baliw na yata ako kasi heto ako tinatanong ng random question ng isang psychologist at sa sarili ko hindi ko matanggap ang mga sagot kaya sinasabi ko na lang sayo kaya pinagtatawanan mo ako kasi ang drama drama ko para sa wala. Sa haba ng sentence na yan, ikaw lang makakaintindi non kasi ikaw lang may alam.
Oo nga pala, alam mo bang ikaw ang may kasalanan kung bakit ako naadick dati sa O2 jam at dahil doon natuto na din akong mag audition. At may isa ka pang itinuro sa akin na site na parang
Kumusta pala yung mga email mo kay fr.Jun? Natuloy ba yon? Sabi mo sa akin na gagawa ka na din ng podcast para sa site ng diocese. Napanood ko na yung ilan doN! J Mayroon silang ipinapanood noong unang punta ko sa bahay nyo. Sorry kasi hindi ko na napanood kasi hindi ko kaya kasi papaiyakin mo lang ako lalo! Grabe ka talaga, ang dami kong luha na naubos para sayo. Sorry kasi ikaw yan Gelo na umalis.
Oo nga pala, may ibinulong sa akin yung daddy mo. Gelo, gusto mo ba yon na mangyario dati? Di mo kasi sinabi sa akin eh. Teka, pero di ko expected na sasabihin yon ng daddy mo sa akin sa panahon pa na iyon. Salamat kasi ganoon pala ako kaimportante sa iyo kaibigan! J
Kung siguro isusulat ko lahat ng mga alaalang mayroon tayong dalawa, aabutin ako ng taon kagaya ng sa hinaba-haba ng taon nating magkaibigan. Hanggang jan na lang muna ang ikukwento ko sayo na mababasa ng ibang tao tapos yung ibang kwento, pagkukwentuhan na lang natin pag dalaw ko sayo. Mag bibirthday ka na! pakain ka !
Sa text nagsimula ang ating pagkakaibigan at sa text di ko inaasahan matatapos ang lahat. Salamat kasi sa akin ka nagtiwalang sabihin ang mga bagay na iyon. Salamat kasi ako ang pinili mo na kausapin sa panahon na hirap ka na. Bakit hindi mo sa akin ipinaramdam noong panahong iyon na nasasaktan ka na pala. Lagi naman kitang tinatanong pero kagi ka ring nagdedeny na nasasaktan ka na pala.
Gelo, salamat sa lahat ng taon na na pagbabahagi mo sa akin ng iyong buhay. Salamat sa limang taong pakikihati sa buhay ko at sa buhay mo. Hindi kita boyfriend diba? Hindi mo rin ako girlfriend dahil alam ko higit pa tayo doon. Ang kung ano mang mayroon tayo ay mananatili at matibay na tatagal habang buhay o habang may isip at puso pa ako na ikaw ang alaalang laman. Minahal kita Gelo at hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. Ako rin hindi ko rin maintindihan si God kung bakit ikaw pa. Kung bakit kung sino pa ang kagaya mo ang kinukuha nya. Siguro naisip ni God na ayaw ka na nyang masaktan pa. Sabi ko naman sayo na kakayanin mo ang lahat kasi alam ni God kung ano ang limitasyon mo. Sa panahong sobrang nahirapan ka na, oh di ba, kagaya ng sa footprints in the sand ay binuhat ka nya at dahil ayaw na Nyang masaktan ka pa ay isinama ka na nya sa kanyang paraiso. Ikaw lang ang laman ng dasal ko kasi ikaw lang din naman ang laman ng isip at puso ko sa ngayon. Aaminin ko na siguro sa pagtagal ay mapapagod din ako sa pagdarasal ko na ikaw lang pero pangako, Gelo na hindi ka mawawala sa bawat usapang magkakaroon kami ni God. Alam ko kasama mo na si God ngayon, ano itsura? Guapo ba? Hehe.
Miss na kita agad. Sa gabi ikaw na lang ang laman ng isip ko. Tulungan mo akong matutunang huwag ka nang mamiss kagaya ng sa ngayon. Mahirap. Nang mag sink in na sa akin na wala ka na nga, doon halos hindi ko nakayanin pero naisip ko na masaya ka at naisip ko na dapat maging Masaya na din ako para sa iyo.
Isa ka sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Ngayong wala ka na, sino na ang kausap ko sa tuwing malungkot ako? Sino na ang kasama kong magsasabing “Si Bamboo pala ang magmimisa!” Sino na ang makikipagkita sa akin sa tuktok ng bundok Samat? Wala na akong kaparehas na telepono, sino at ano pa ang dahilan kung bakit ito ang maging cell phone ko? Sino na ang magcocomfortsa akin sa mga gabing nalulungkot ako dahil sa mga porblemang ikaw lang din ang nakakalam?
Tama nga ang sinabi nila. Hindi lang kami nawalan ng isang Gelo kundi nawalan kami ng Angelo na may maraming malaking puso para sa lahat ng tao. Tama rin ang sinabi ng daddy mo na tanging ang pisikal na katawan mo lang ang nawala, hindi ang mga alaala na iniwan mo sa bawat isa sa amin. At dahil doon, forever (hindi ko alam kung ano tagalong nyan) kang kasali sa araw-araw na paglalakbay namin.
Babasahin ko itong libro mo ng paunti unti ha. Gusto ko kasing tumagal, pakiramdam ko kasi ay kinukwentuhan mo ako ulit kapag binabasa ko ang libro mo.
Mahal kita Gelo. Magkita na lang tayo ulit sa kung saan mang lugar gustuhin ni God. Ipagdasal mo ako. Malakas ka kay God eh lalo pa ngayon kapiling ka na nya
.
Design by: StarSunflower Studio | Made with Vintage Mini Kit by: Etoile du nord