I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Saturday, October 3, 2009

sulat pa

alam nyo ba kung bakit may ganito?


bored na ang nakaupo!


nagkaklase sa Main Building at FLR, normal na scenario lang yan.
actually, sige, aamin na ako.. minsan ako rin nagsusulat sa desk. o kaya sa libro. minsan kahit sa kamay ko.


heto yung ilan sa dilemma
(based on experience at interview pero yung iba inimbento ko lang)

1. hindi nagkakaroon ng interes ang nakaupong estudyante kasi tinatamad kaya naghahanap na lang ng libangan.

2. hindi nya mainitndihan ang mga sinasabi ng professor.
as in no clue! para bang alien, na hindi alam ang language ng nagsasalita. o kaya naman para bang nanonood ng isang koreanovela na walang subtitle o kayang walang nagdudub kaya naman gumagawa siya ng sariling character na pwedeng kausapin.

3. ang boring ng topic.. na gusto na lang umalis at mag walk out ng estudyante, o ng buong klase kaso hindi nila magawa kasi may respeto pa naman, or sige, minsan dahil lang talaga sa attendance.
kadalasan nakakatulog na yung mga nasa likuran at naiinggit na yung mga nasa harapan.. kaya hahanap siya ng kakampi at mahahanap an desk.

4. parang hinugot mula sa kailalim-ilaliman ng mundo yung boses ng professor. tapos minsan magdadahilan pa ng "Paki turn off naman yung exhaust fan kasi kinakain yung boses ko".. kaya makikipag

5. may quiz / long exam pa sa next class kaya nag ccram na. kinakabahan kasi hindi pa nag-aaral. naghahanap na ng outlet ng stress. nagsusulat. minsan kinakagat na ang lapit o bolpen o pati kuko.

6. may recitation, kunwari busy. Walang notebook na mahablot kaya sa desk na lang kunwari nagsusulat.

7. may naunang sumulat, nag reply lang yung sumunod na umupo.. tapos nag repply din yung sumunod.. at yung sumunod pa.. tapos yung sunod ulit.. hanggang sa napuno na yung buong desk.



kaya lang, hetodi ko ma explain kung bakit nila ginagawa o bakit sila nagsusulat.




marami nyan sa ground floor..
pero meron din sa 4th floor..
kaso nakakatawa sa 4th floor kasi nagkukwentuhan pa sila.
nakakalibang tuloy kpag gumagamit kami ng CR.
meron pa nga doong mga advice na ibinibigay.
sagutan.
:D

.
stressed lang yan.
o kaya
bored lang yan.
o kaya
problemado talaga sa buhay nya :D




fyi: 2 faculties and 1 college yung gumagamit ng mga classroom sa ground floor.
wala pa jan yung mga out sider na maepal
so, we never know.
:D

No comments:

Post a Comment

COMMENT