I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Monday, April 18, 2011

Palm Sunday: How ironic...



Unang beses ko lang magsimba ng Lingo ng Palaspas dito sa Maynila, nakaugalian ko na kasing umuwi ng Bataan tuwing Holy Week, pero ngayon lang ako nawalan ng choice kundi dito na lang magsimba.
Unang beses ko lang ring magsimba ng Lingo ng Palaspas na walang hawak na palaspas sa kamay. gustuhin ko man, hindi na rin sigurodapat kasi wala naman akong mapaglalagyan ng palaspas sa bahay namin dito sa Manila.

Habang nasa Misa, tinanong ako ng kaibigan ko: Talagang naka red sya? [pointing at the priest]
Gamit ang akin munting nalalaman tungkol sa simbahan mula sa aking makulay na nakaraan bilang altar server ng limang taon sinagot ko sya: Yes. Red talaga ngayon kasi "happy day" ngayon. Ngayon kasi diba pumasok si Jesus sa Jerusalem.


Ironic.

Festive ang mood pero ang homilya ay tungkol kay Jesus na ipinako at namatay sa krus.


pagkatapos ipagdiwang ng lahat ng tao ang pagdating Nya sa kanilang bayan, makalipas lang ang ilang araw ay nilatigo sya habang nakatali sa haliging bato, nilagyan ng koronang tinik, pinagpasan ng krus paakyat ng bundok, ipinako sa krus katabi ang dalawang makasalanan at namatay. at saka lang naniwala na Sya nga ang Tagapagligtas!

No comments:

Post a Comment

COMMENT