kung gaano ako kaexcited magkaroon ng lisensya ganun din ang level ng takot ko para sa board exam.
natatakot ako sa failure, pero kailangan kong harapin ang takot na yun kasi hindi naman pwedeng hindi kasi masstuck na lang ako sa ganito forever, at hindi yon pwede. hindi yon katanggap-tanggap!
hanggang ngayon, wala pa rin akong motivation para seryosohin ang pag-aaral. iniisip ko pa rin kasi na "Oh My Gosh ang dami dami dami dami ng aaralin! kakayanin ko ba? maaalala ko kaya silang lahat sa board exam mismo?"
doon pa lang natitigilan na ako.
at sa bawat lipat ko ng pahina ng mga libro, sa bawat topic na natatapos ko palagi pa ring may alinlangan. ang pakiramdam na tila wala akong tiwala sa sarili ko na kaya kong itong gawin, wala akong tiwala na kaya kong ipasa ang board exam.
marahil kulang lang ako sa inspirasyon, or motibasyon or mga salitang nakakapagpabuhay ng diwa.
No comments:
Post a Comment
COMMENT