I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Saturday, January 2, 2010

Nagpaapakilala ang bagong blogger (kunwari)

HAPPY NEW YEAR!
at dahil new year, kelangan daw may something new sa kin
********************************************************************
Okay fine, pinalitan ko na ang pangalan ng blog ko.
at dahil pinalitan ko na kelangan daw magpakilala ako ulit.



HELLO Sayo at WELKAM SA BLOG KO! :)



Kunwari na lang ako yung kolehiyala na mahilig maglamyerda sa kung saan saan at pumupunta sa kahit anong pleys dalhin ng aking feet.
Kunwari ako yung kolehiyala na nakatambay sa me kanto ng dapitan at naglolollipop sabay banat ng kwento kasama ang hotties sa eskwela.
Kunwari ako yung kolehiyala na nagpaparty tuwing Byernes ng gabi don sa me The Fort. Emba, Alchemy, Encore.name it, im der!
Kunwari ako yung kolehiyala na fashionista na maiksi pa sa micro mini skirt ang suot pang-baba habang rumarampa sa entabledo ng academe.
Kunwari ako yung kolehiyala na inuUno ang mga subject gaya ng Botany, Pharmacognosy, Pharmacology o Trigonometry.
Kunwari ako yung cool, hip, witty kolehiya jan sa me Dapitan at nag-aabang sa pagdating ng 2011, kung kelan gagradweyt na sa mga pahirap ng unibiersidad ko.

Isipin mo na lang ako yung kolehiyala sa panaginip mo.
yung seksi kolehiyalang nagpatulo sa laway mo noong nakaraang Byernes sa Bar.
yung super hotness kolehiyalang nagpabalik-balik sayo sa Bora at CWC.
Sige na, isipin mo na lang rin, ako yung kolehiyala na magaling magsulat. frustrated writer ang inyong lingkod.


At Dahil isa lang naman akong Normal na kolehiyala, normal na tamad talaga ako.
tinamad na akong gumawa ng bagong blog site kaya gagamitin ko na lang itong luma.
Tinamad na rin kasi akong mag-isip ng bagong pangalan ng blog.
At tinamad na akong magintindi kung paano ba ginagamit yung wordpress (dun daw ako lumipat sabi ng mga kaberks ko eh) since hindi naman ako katalinuhan kagaya ng madla.


Pagpasennsyahan nyo na:
ang kakitiran ng pag-iisip ko minsan (o kadalasan).
kung hindi ako madalas makakapag blog kapag me pasok, pasakit kasi yang mga propesor na yan, sagabal sa blogerya.
kung wrong grammar ang inglis ko, natutulog ata ako nung nagdidiscuss yung titser ko tungkol dun e.
kung minsan emo ako o minsan puso tungkol sa lablayp ang ipopost ko dito.


Pramis, gagawin ko lahat, maka Zero na ako sa pharmacology at Pharmacognosy, makapag blog lang ng maayos ayos.


HELLO Sayo at WELKAM SA BLOG KO! :)

2 comments:

  1. Nice blog.

    BTW, you might found these interesting:

    Live Radio and TV w/ ESPN : http://entertainmentport.blogspot.com

    500Pesos Business : http://instantnegosyo.blogspot.com

    and this one http://jr041283.blogspot.com

    Thanks. Happy blogging.

    ReplyDelete
  2. thanks!
    bisitahin ko maya maya:)

    ReplyDelete

COMMENT