I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Thursday, January 7, 2010

bakit nag cu-CUt ng Class?

guilty ako!


Sino sa mga kolehiyala, at sa mga college student ang hindi pa naranasang mag cut ng class?

ang tawag sakanila: NERD. walang social life. pakamatay na dapat sila.


20 reasons kung bakit nag cu-cut ang kolehiyalang ito:

1. may recitation - hindi nakapagbasa kagabi
2. may quiz - hindi nakapag-aral.
(aasa sa special exam na ibibigay. kunwari nagkasakit. pepekein ang medical certificate. pano? papapirma sa kaibigang doktor)
3. may exam sa susunod na subject na mas importante -mag-aaral na lang
4. nagbavibrate na yung tsan sa gutom -kakain na lang
5. hindi nagising ng maaga -nagoversleep sa dorm -kakagimmick o kakababad sa computer kagabi
6. may gagawin pang report para sa susunod na subject
7. may gagawin pang assignment o sasagutan pa ang data sheets
8. manghihiram ng lab. gown o bibili ng bagong apparatus para sa laboratory
9. nakakaantok ang boses ng prof. -makakatulog lang din naman, sa dorm na lang
10. inaya ng bf/gf na mag date na lang sa may quadri o carpark
11. naimpluwensyahan ng barkada -gagawin ang bad habits
12. jebs na jebs na. -as in hindi na makayanan. kailangan nang umuwi
13. sobrang late nang dumating sa class -hindi na lang papasok. kakain na lang.
14. masyadong nalamigan sa org.room -nasarapan kaya matutulog na lang dun
15. may project/activity ang org. -minsan lang naman. pagbigyan na
16. may gimmick -manonood ng sine sa trinoma (yun ang malapit eh) / kakain sa Taco Bell, mag-iinuman
17. crush ang prof. -magpapaka bitter at hindi papasukan ang subject
18. sira ang aircon, mainit sa classroom -library na lang. self-study, malamig pa
19. walang kwenta mag turo ang professor -mas magaling ang seatmate/kabarkada na DL
20. hindi interesado sa subject -english, HECO, technical wrting. yung subject na tipong common sense lang. mayabang ako eh. :D


masarap talaga yung kolehiyo.
maraming maraming natututunan.
at hindi nyo siya dapat ikumpara sa highschool mga kids, dahil sa highschool, aminin nyong kahit paano ay manginginig kayo kapag nasabihan kang "Pinapatawag ka sa Guidance Office" o kaya "Pinapatawag ka sa Principal's Office"

walang ganyan sa kolehiyo.

walang principal! Dean lang. (na palaging may meeting o may klase sa Graduate School kaya wala sa office nya)

ang kolehiyalang ito ay hindi santa.
at okay lang sakanya na mapunta sa impyerno! :D
(kasi at least siya ang kaisa-isang gorgeous,hot kolehiyalang nasa implyerno na nagmamahal kay God)

OMG.

GTG Guys.

see you when i see you!
Like i'll see you talaga.
harhar



XOXO
-E.

No comments:

Post a Comment

COMMENT