I think I'll follow the voice that calls within
Dance to the silent song it sings
I hope to find my place
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

Friday, August 12, 2011

W Jones Cup 2011 -groin incidents

What's wrong with some players in the W.Jones Cup 2011. the other day, a Malaysian held Asi Taulava's balls and then during this evening's match, a Japanese player kicked Chris Tiu's groin

well, i just hope those weren't intentional


Noong isang araw groin-grabbing incident

tapos kanina, penis-kicking incident naman

Thursday, August 11, 2011

isang bahagi ng term paper namin sa literature noong college (Para Kay B)


Ang pag-ibig may may iba’t-ibang mukha depende kung paano mo ito titingnan, depende kung paano mo ito mararamdaman at depende kung paano ito magiging bahagi ng iyong buhay at pagkataon. Walang quota ang pag-ibig dahil maaaring maging maligaya ang lima sa bawat limang umiibig.
Sa limang kwento ng pag-ibig sa kauna-unahang nobelang ito ni Ricky Lee ay maraming matututunan na makakatotohanan tungkol sa kung paano talaga ang dalisay na pagmamahalan ng dalawang tao.
Hindi porke’t masama at mapait ang alaala mo tungkol sa isang bahagi ng iyong buhay ay kalilimutan mo na ang lahat tungkol dito, na maski ang matatamis na alaala ng kung papaano ka unang umibig ng lubusan noong iyong kabataan ay iyong buburahin. Sa tunay na pagkakaibigan nagsisimula ang malalim na pag-iibigan na tumatagal nang habang buhay, kahit ano pa man ang mangyari, kahit na minsa’y i-deny ka ng taong mahal mo. Ito ang itinuturo ng kwento nina Irene at Jordan, na kahit na liku-liko ang kalsadang kanilang dinaan ay nakarating pa rin sila sa masayang magpasawalang hanggan.
Libreng magmahal kahit kailan mo naisin, ngunit hindi mo maaaring mahalin ang lahat ng tao sa mundo, hindi mo maaaring mahalin, in a romantic way ang mga pari at madre, hindi mo maaaring mahalin ang mga hayop, halaman at bagay, ang kaparehas mo ng kasarian at hindi mo maaaring mahalin sa ganitong paraan ang iyong mga kamag-anak, lalo na ang iyong kapatid. Hindi maaaring mahalin ni Sandra si Lupe at ni Ester si Sara kahit na natatangi ang pag-ibig nila, kahit na ito’y gusto nilang ipaglaban sa lahat ng tao sapagkat mali ito dahil ang pag-ibig rin nama’y may sariling rules and regulations na para rin naman sa dalawang nag-iibigan at sa pag-ibig kailangan paganahin din ang isip muna kaysa puso, kaya nga ba’t may mataas ang posisyon ng utak sa puso sa ating katawan.
Walang totoong lugar ng Maldiaga at walang totoong tiyak na lugar sag lobo na love-less at parang mortal sin ang salitang pag-ibig dahil lahat tayo ay nasa mundo at buhay ngayon dahil mismo sa pag-ibig. Nagiging manhid ang tao, nakakalimutan kung paano umibig kung pinalaki siya sa ganitong paraan, walang pag-ibig, walang affection at titingnan ka ng masama kapag sinabi mo ang salitang love. Ganito marahil sa Maldiaga, ang lugar na bawal ang kahit anong love at doon lumaki si Erica, ang babaing manhid sa pag-ibig ni Jake, ang babaing kahit anong gawin ay hindi makaramdam ng pag-ibig dahil hindi niya alam kung ano ito, kung saan galing ito at kung papaano ito, ngunit matiyaga si Jake, matiyaga ang tunay na pag-ibig, ito’y naghihintay, naghahanap, kahit ikamatay pa ang tunay na pag-ibig sapagkat magiging Masaya lamang ang isang tao, sa tunay na pag-ibig, hindi sa huwad at sapilitang relasyong mag love raw sakanila.
Ang ultimate lesson siguro sa nobelang ito ang kung paanong maghintay sa pagmamahal na ibalik sa iyo, kahit na mamatay ka pa sa sakit na iyong nararamdaman dahil alam mo sa sarilim mo na kahit kailan ay hindi mapapa sa iyo ang iyong iniibig at sa huli ay hayaan na lang ito, mag let go at mag move on.
Madaling banggitin pero sadyang napakahirap gawin ng salitang let go at move on. Ito yung oras na sinasabihan mo yung sarili mo na tama na, palayain mo na ang sarili mo at kalimutan mo na iyon, kahit na sa puso at isip mo ay hindi mo kaya.
Hindi naman talaga tayo nakakapag move on o nakakapaglet go. Natututo lang tayong mamuhay nang iba naman, nang wala na sila, nang tayo na lang ulit mag-isa, kung paanong nagsimula tayo sa buhay. Masasanay din ang tao sa ganito, at kapag dumating na ang oras na iyon, masasabi mo na, na ikaw ay nakapag move on na, na ikaw ay nakapag let go na.
Masarap umibig at ibigin pero sa bawat saya ay mayroong luhang kapalit, kagaya ng pag-ibig, hindi sa lahat ng panahon ay maligaya, minsan kailangang tumulo ang iyong luha para ika’y matuto, para sa iyong pag-ibig at para sa iyong iniibig.

Wednesday, August 10, 2011

UST Sets Guinness Record of the World's Largest Human Cross






GUINNESS WORLD RECORDS. UST Sets Guinness Record of the World's Largest Human Cross 

It's finally official! Thomasians made history when 13,266 participants marked the UST campus with the world's largest human cross on Ash Wednesday, 9 March 2011. As a bastion of Catholic teaching, the University of Santo Tomas continues to spread the light of faith as it endeavors to build the church, the nation and the family. Go USTe!

N.B. Although actual turnout of participants was close to 20k, the official count only recognized those who swiped their ID's both when entering and going out of the field, as relayed during the instructions. (Apparently, not everyone was keen to swipe on their way out) Nevertheless, the new record is set, and we congratulate the whole Thomasian community for such an achievement! Go USTe!